Matthew 22:41-46

Ang Tanong tungkol sa Cristo

(Mar. 12:35-37; Luc. 20:41-44)

41Habang nagkakatipon pa ang mga Pariseo, tinanong sila ni Jesus, 42“Ano ba ang pagkakakilala ninyo sa Cristo? Kaninong angkan
angkan: sa literal, anak.
siya nagmula?” Sumagot sila, “Kay David.”
43Sinabi ni Jesus sa kanila, “Kung angkan lang siya ni David, bakit tinawag siya ni David na ‘Panginoon,’ sa patnubay ng Banal na Espiritu? Ito ang sinabi niya,

44‘Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon,
Maupo ka sa aking kanan hanggang sa mapasuko ko sa iyo ang iyong mga kaaway.’
Salmo 110:1.

45Kung tinawag siya ni David na Panginoon, paano siya naging angkan lang ni David?” 46Wala ni isa mang nakasagot sa tanong ni Jesus. Mula noon, wala nang nangahas na magtanong sa kanya.

Copyright information for TglASD